Monday, October 11, 2010

Pasensya

Ang taong pinaglalaban ang tama, may paninindigan. Ang taong pinaglalaban ang mali? Mapride lang. Ugali ng karamihan magmatigas kahit alam nating nakatirik ang punto natin sa mali? Masyado tayong takot tumanggap ng pagkakamali dahil natatakot mahusgahan. Pero sa process ng pagprotekta natin sa sarili nating pride, kadalasan, ang mga relationship natin ang nalalagay sa alanganin. Nanjan ang pagmamatigas ng mga anak sa magulang kahit alam nilang tama ang pinapagawa sa kanila, at ganun din ang magulang na hindi tumatanggap ng pagkakamali nila sa anak nila. Meron ding mga magkakaibigan na nagkatampuhan at nagpapatatagan dahil masyadong mataas ang pader ng pride nila para makapunta ang "sorry" sa kabilang bakuran. At syempre anjan ang mga "in a relationship", "engaged", at "married" na nagiging "its complicated" dahil pinipiling maging patience kesa maging humble... Patience sa pag-aantay na magsorry yung isa at hindi kayang maging humble sa pagtanggap ng pagkakamali. Alam mo naman kung nagiging defensive ka na lang, at wala namang nakakahiya sa pagtanggap ng pagkakamali at pagsosorry, dahil matatalinong tao lang ang kayang maka-realize na mali sila habang galit. Kung yung papel nga sa siopao na nakalimutan mong tanggalin, kinakaya mong lunukin, dahil nanghihinayang ka sa kapirasong siopao na iluluwa mo. Baket hirap na hirap kang lunukin ang pride mo kung mas importante sa kapirasong siopao ang mawawala sayo? Mas madali bang lunukin ang papel kesa sa pride? Ganito na lang... Kung alam mo nang mali ka at hindi mo kayang lumunok ng isang buong manila paper, wag ka nang papalag.
(Halaw sa isang website)