Ilan sa mga kasabihan ng paborito kong Pinoy Awtor:
“kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man may alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila”
“Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Sa mahal ka, di sa gusto ka.”
“Ang pag- ibig parang imburnal..nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”
“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso.. Extension ng puso ang tenga kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal”
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
“Kung dalawa mahal mo, piliin mo ang pangalawa,kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo na talaga ang una”
“mahirap pumapel sa buhay ng isang tao, lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili niya”
“Kapag di ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magreklamo. Kasi, may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka kaya quits lang.”
“Parang elevator lang yan eh. bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung wala ng pwesto para sayo, eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo, meron lang talagang taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
“pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo na..malay mo sa mga susunod na araw, ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang”
“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”
“walang taong manhid…hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin..”
“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramamdam, mag ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanansa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
“Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin nun, ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya, at kinarir mo ng magpakatanga.”
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito, wag mong hintayin yung araw na sakit na lang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwede magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras.posible pero pangit tignan.”
“Minsan, para ka palang nagmahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mong itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, ‘di pa rin natitinag.”
“kahit anong bagal mo kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya maaabutan.. kahit mag stop over ka pa.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Ang tao, aminado naman yan sa mga kasalanan nila..pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwanan ka..”
“Kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa’yo?..wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga..”
“Sa kolehiyo, madaming impluwensiya ang makikita, masama o mabuti man ito..wag isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa pagyoyosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya..kung talagang matino kang tao, kahit sino pang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daanang tatahakin mo..”
“Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”
I really love to read his Books (Kumpleto ako!), hindi lang dahil marami akong napupulot na aral at napapasaya ako ng kanyang mga akda, kundi dahil napapabilib ako ng kanyang istilo upang pukawin ang imahinasyon ng kanyang mga mambabasa. Kung paano nya nagagawang patutukin ang isang tao na tapusin sa isang upo ang kanyang mga akda.
Malalim ang pinagsamahan namin ng mga libro ni Bob Ong. Isa ito sa mga naging sandalan ko noong panahong pakiramdam ko mag-isa ako!
No comments:
Post a Comment