Usually during my restdays, gumigimik ako, lumalabas, hang-out with friends, paumagahan sa pag-inom at pagsasaya, nakagawain ko na yun, binatang-binata ang drama. May hang-over pa din kasi ng college attitude. Pero napansin ko habang tumatagal nag-iiba na, madalas mas gusto ko na nasa bahay na lang, mag movie marathon, mag-internet, magbasa ng libro, pakainin ng impormasyon ang utak ko....
Tumatanda na ba ako? Growing-up kumbaga, nakakasawa din pala kung paulit-ulit yung mga ginagawa mo, Yung tipong walang bago, iinom at magpapakalunod ka sa alak pag-alis mo, pag-uwi isusuka mo, at isusumpa mo ang lahat ng alak na nainom mo, hahaha
Mag-ipon ka! yan ang madalas ipaalala sa akin ng mga magulang ko, ngayon ko lang narerealize ang halaga ng mga paalala nila, naisip ko, yung mga nagastos ko sa every week na pag-alis at paggimik, kung inipon ko, malamang makapal na ang laman ng bulsa ko. Malamang sa OO nakapagtayo na ako ng sarili kong negosyo.
Hindi ko naman sinasabing peksman hindi na ko gigimik, iinom, at magsasaya kailanpaman. Ang natutunan ko lang, lahat ng sobra nakakasama, lahat ng umaapaw ay nasasayang.
May panahon pa naman!
Ano? Serious kba jan? Dka na gagala?
ReplyDeleteBalance dapat...
Korek! Tara, no to yosi na rin! Hahaha
ReplyDeleteMr. Blogger. I fully understand how you feel. Pareho tayo. I always wanted to save money pero di ko pa din magawa. haha! pero ganun talaga, masaya ako to be with my friends, masaya ko doing crazy stuff, masaya ako magpakalasing. Money is money. Importante. Pero yung happiness ko is mas importante than anything else.
ReplyDeleteTherefore, be it resolved, I will save money para may pang-gimik ako. hahaha!
@Marco- sabi ko nga dba, ndi naman sa hindi na ko gigimik,, il make things balance lang this time..
ReplyDelete@John- d ko pa ata kaya i-ban ang yosi sa buhay ko LoL
@Brad- thanks for the comment... appreciated! Bow...